Confessions of A Nurse · The Adventures (and Misadventures!) of Blublu

Blublu is Back!

Kumusta kayong lahat? šŸ™‚ Hay, halos kalagitnaan na pala ng Nobyembre bago ako nakagawa ng bagong poste. Hehe. Nga pala, lubos akong nagpapasalamat sa mga co-bloggers na naniwalang matatanggap ako sa Saudi Recruitment Office (SRO). Opo, natanggap nga ako. Yehey! šŸ˜€ Bukas, magpapamedical exam na ako. Sana, sana, walang maging problema sa resulta.

Special thanks din to Jec sa napakagandang regalo. Napaka-artistic mo talaga Jec! I love them, I love them, I love them so much! Kaya ginawa ko na siyang profile picture dito sa blog ko, at sa Facebook account ko na din para mainggit ang mga friends ko. Hehe.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako kay God dahil ibinigay Niya sa akin ito. Sa dami ng inaplayan kong agency noon na ang iba ay dinedma ako at ang iba naman ay maliit ang salary offer kaya tinurn-down ko (mukha kasi akong pera, hehe), here comes the Ministry of Health na okay sa alright ang salary at maraming benefits. Naniniwala ako na kaya hindi ako natuloy sa mga naunang inaplayan ko ay dahil ito ang inilaan para sa akin ni God. Ngayon ko higit na nauunawaan ang Kanyang wisdom. šŸ™‚

Magiging busy ako ulit the coming week pero bibisitahin ko pa rin ang mga bahay ninyo. Miss ko na kayong lahat! šŸ˜€

4 thoughts on “Blublu is Back!

  1. ate, masaya akong natanggap ka na šŸ˜‰ yey! sabi nga nila, kung para sa ‘yo, sa ‘yo talaga. siguro nga kaya di ka natanggap sa mga nauna dahil ito yung gusto ni God para sa ‘yo. at masaya talaga ako šŸ˜€

    hmm … at para sa munting regalo, wala nga palang anuman. hihi ^^

Leave a comment