Maligayang Araw Ng Mga Guro!

Konti lang sa mga naging guro ko ang natatandaan ko pa rin hanggang ngayon. Sila ay ang mga guro na nagkaroon ng malaking impact sa buhay ko. Palagay ko, isa sa malungkot na maaaring mangyari sa isang guro ang malimutan siya ng kanyang mga naging estudyante. Nangangahulugan lang ito na wala siyang naiwang “legacy” sa kanila.

Ilan sa mga favorite/not so favorite teachers ko na memorable sa akin:

Si Sir Alex- nabanggit ko na siya sa isang post ko. Teacher ko siya nung grade 4 ako. Siya ang unang nagpatibok sa musmos kong puso. (Ang keso! haha)

Si Ma’am Makiling- grade 6 teacher ko. Bukod sa unique ang pangalan niya, sobrang galing din niya magturo ng English. Hinahayaan din niya kami na dumalaw sa bahay niya para magbasa ng libro at ipinaghahanda pa niya kami ng masarap na miryenda.

Si Ma’am D- teacher ko naman sa Filipino noong 2nd yr. high school ako. Sa bawat klase namin sa kanya, pinapatikim niya kami ng malutong na PI, walang palya. Astig din ang mga banat lines niya gaya ng “Anong akala ninyo sa akin, manikang de-susi?”, “Akala ninyo siguro mahirap ako. Bukas na bukas, isusuot ko ang mga alahas ko.”, at “Bakit ako magwowalk-out eh klasrum ko ito.” (matapos niyang magwalk-out sa klase at bumalik ng wala pang isang minuto). Marami pa siyang katopakang ginawa sa klase pero tinatamad na akong ikuwento. Hehe.

Si Ma’am A- teacher ko sa Home Economics. Lagi siyang nagsusuot ng damit na may pasilip cleavage. :)

Si Ma’am Physics- na nagbabasag ng bote sa harap ng klase para makuha ang atensyon ng mga hindi nakikinig.

Si Sir Mongi- prof ko sa Asian Civilization. Actually, ako ang nagbansag sa kanya ng Mongi. Haha. Kinantahan niya kami one time sa klase ng national anthem ng Japan at pinakitaan ng mga astig na posisyon ng yoga.

Si Ma’am Lea- na may quotable quote na “Kapag wala kang face value, magpakabait ka nalang.” :P

Sa lahat ng mga guro, saludo po ako sa inyo! :D May you continue terrorizing este educating and inspiring your students. Happy teacher’s day!

6 comments on “Maligayang Araw Ng Mga Guro!

  1. base. :) heheh. naalala kko rin tuloy ang mga stigin kong teachers. :) mabuhay ang mga guro! :) pero kung iisipin, lahat tayo, naging guro at some point of our liives diba? :)

    mabuhay ang mga bayani ng bayan! :) wala lang, para kasi sakin, bayani talaga ang mga guro. :)

    gandang araw nurse! :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s